-- Advertisements --

Umabot na sa 35 ang mga nasawi dahil sa leptospirosis sa Quezon City ngayong taon.

Ito ay mas mataas ng 9.37% kumpara noong 2024.

Sa 428 kaso ng leptospirosis sa QC hanggang Agosto 11, 302 dito ay naitala matapos ang Bagyong Crising.

Ayon sa QC Epidemiology and Surveillance Division, katulad ng nangyari pagkatapos ng Bagyong Carina, nagkaroon din ng pagdami ng kaso ng leptospirosis matapos ang Bagyong Crising.

Gayunpaman, hindi inaasahan ang karagdagang pagtaas maliban na lamang kung magkaroon ng malawakang pag-ulan.

Hinihikayat ng QC LGU ang mga residente na agad magpakonsulta kung na-expose sa baha o maruming tubig dahil libre ang check-up at Post Exposure Prophylaxis sa mga health center (Lunes-Biyernes, 7:00 AM – 5:00 PM).