ILOILO CITY- Gaganapin na ngayong araw ang Dugong Bombo 2020.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bombo Radyo Iloilo, Local Government Unit ng Passi City sa pamamagitan ng “Dugo Ko, Ibulig Ko, Passinhon Ako” program at Philippine Red Cross.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Passi City Mayor Stephen Palmares, sinabi nito na malaki ang kanyang pasasalamat dahil sa unang pagkakataon, naging magkatuwang ang Passi City at Bombo Radyo Philippines sa Dugong Bombo 2020.
Ayon kay Palmares, hindi rin dapat maging hadlang ang kinakaharap na pandemya upang magsagawa ng blood letting activity bilang sagot sa kinukulang na suplay ng dugo.
Tiniyak naman ng alkalde na mahigpit na ipapatupad ang mga health protocols kasabay ng aktibidad na isasagawa sa Don Valerio Palmares Sr. Memorial District Hospital sa Passi City.