-- Advertisements --

Hiniling ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez sa Kamara na gawin nang batas ang Pondo sa Pagbabago at Pag Asenso (P3).

Sa budget briefing ng House Appropriations Committee ngayong araw, sinabi ni Lopez na ang P3 ay programa ng pamahalaan para matulungan ang mga pinakamaliliit na negosyante sa buong bansa.

Sa pamamagitan aniya nang pagbibigay ng murang pautang na mayroon lamang 2.5 percent na interes kada buwan, ay mabubuwag na rin ang 5-6 lending scheme.

Ayon sa kalihim, mangangailangan ng nasa P4 billion kada taon para ipatupad ang microfinancing program na ito ng pamahalaan.

Para sa susunod na taon, P1.3 billion ang alokasyon ng DTI para sa development program ng mga micro, small and medium enterprises.

Aabot ng hanggang sa P300,000 ang maaring utangin ng mga maliliit na negosyante depende sa kanilang mga kailangan sa negosyo at kakayahan na bayaran ito.