Posibleng suriin muna bago ibenta sa publiko ang mga produktong galing sa China dahil na rin sa banta ng novel corona virus.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na may mga listahan na sila mula sa Department of Health (DOH) sa mga produkto na isasailalim sa mga laboratory test.

-- Advertisement --

Hindi naman nito ibinahagi kung ano-anong mga produkto ang mga ito.

Sa mga susunod na tatlong araw aniya ay maisasakatuparan ang nasabing testing ng mga produkto.