DTI sec ramon Lopez
DTI Sec. Ramon Lopez
-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang malawakang pang-aabuso sa mga discount card na inilaan para sa mga Persons with Disability (PWD).

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, dumulog kanila ang ilang mga may-ari ng restaurant tungkol sa talamak na maling paggamit ng PWD card.

Nagbunsod ang reklamo dahil sa social media post na mayroong isang pamilya na nagpanggap na mayroon silang kapansanan na humihingi ng discount sa mga restaurant.

Ayon sa kalihim na dapat hindi abusuhin ang nasabing prebilihiyo dahil maraming mga negosyo ang nahirapan ngayong panahon ng pandemic.