CAGAYAN DE ORO CITY – Pinayuhan ngayon ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) ang local government officials partikular ang mga barangay officials na magkaroon ng mahigpit na health protocols na ipapatupad bago ang pamimigay ng Special Amelioration Program (SAP) sa mga probinsya.
Ginawa ni DSWD Underscretary Luz Ilagan ang payo matapos ilan sa mga barangay ng Cagayan de Oro City ay bigo na ipatupad ang physical distancing sa mga benipesaryo ng SAP na potential para magkahawaan ng bayrus.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Ilagan na nasa barangay officials ang kontrol kung paano maging masistema ang SAP distribution sa mga pamilya na makakatanggap para iwas hawaan ng sakit.
Magugunitang umani ng mga pagpuna mula sa mga residente ng lungsod kung bakit nabigo ang mga konseho ng Barangay Carmen at Kauswagan na mapatupad ang social distancing habang namimigay ng SAP sa kani-kanilang mga benipesaryo ng lungsod.