-- Advertisements --

Nakatakdang magpadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng dagdag na 10,000 family food packs (FFPs) sa mga komunidad sa Catanduanes na matinding naapektuhan ng Super Typhoon Uwan.

Ayon sa DSWD, ang mga food pack na ito ay nasa Clark Airbase na at inaasahang ipapadala sa Virac, Catanduanes sa Biyernes, November 15.

Ang mga food pack na ito ay karagdagang tulong ng DSWD upang masiguro na may sapat na pagkain ang bawat pamilyang nasalanta.

Si DSWD Secretary Rex Gatchalian ay personal na ring pumunta sa Catanduanes at tiniyak na aabot sa 87,000 food packs ang ipapadala ng ahensya sa lalawigan.

Nakipagpulong din siya sa mga Local Chief Executives ng Catanduanes upang pag-usapan ang patuloy na tulong ng DSWD sa probinsya, kabilang ang walang tigil na pagpapadala ng family food packs, pamamahagi ng cash assistance, at pagpaplano para sa pangmatagalang pagbangon ng mga apektadong pamilya.