-- Advertisements --

Naihatid na ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development ang milyong-milyong pisong halaga ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng Super Typhoon Nando sa isang bayan sa Calayan, Cagayan .

Batay sa datos, aabot sa 3,800 pamilya mula sa mga barangay sa main Calayan ang nakinabang sa naturang ayuda.

Ang bawat isa ay nakatanggap ng tig -₱10,000 cash assistance mula sa nagpapatuloy na distribusyon ng tulong sa mga apektadong residente.

Ayon kay Regional Director Lucia Alan , ang hakbang na ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Secretary Rex Gatchalian na tiyaking mabilis na maiaabot ang tulong sa mga nasalantang pamilya.

Ito ay upang maging mabilis ang kanilang pagbangon mula sa epekto at pinsala ng naturang kalamidad.

Paliwanag ng opisyal na ang tulong na ito ay inisyal pa lamang kung saan magpapatuloy ang kanilang pamamahagi ng tulong sa iba pang mga island barangay ng bayan.

Maliban sa tulong pinansyal, nakapaghatid rin ito ng 1,500 family food packs katuwang ang Philippine Air Force.