-- Advertisements --
Inatasan na ng Department of Social Wlefare and Development (DSWD) ang filed office nito sa Central Visayas na tumulong sa mga biktima sa mga lokal na pamahalaan kasunod ng tumamang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu kagabi na kumitil na ng mahigit 30 katao.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, naka-alerto ang disaster quick response teams ng ahensiya sa Central at field offices nito para umasiste sa mga apektadong pamilya.
Naka-standby na aniya ang food at non-food relief supplies para ipamahagi sa mga apektadong lokal na pamahalaan.
Sa kasalukuyan, mayroon pang P379 million standby funds ang DSWD at mayroong 2.4 million kahon ng family food packs na nakahandang ipamahagi sa mga apektadong komunidad.