CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang drug suspect sa inilunsad na anti-drug operation ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

NBakilala ang nasawi na si Nasser Alilaya Badsigan “Alyas Kadturan Badsigan”, 45-anyos na residente ng Sitio Kisupit Barangay Marbel Matalam North Cotabato.

Ayon kay Matalam Chief of Police, Captain Junrel Amotan na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa Sitio Condring Brgy Marbel Matalam North Cotabato di kalayuan sa bahay ng suspek.

Ngunit natunugan ng suspek na mga pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya itoy nanlaban.

Gumanti ng putok ang mga pulis at malubhang nasugatan si Badsigan.

Naisugod pa sa pagamutan ang suspek ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Narekober sa posisyon ni Badsigan ang isang Uzi sub-machine pistol,mga bala,shabu at mark money.

Nabatid na si Badsingan ay nasa number 6 sa drug watch list ng Matalam PNP.