LAOAG CITY – Kritikal ang kondisyon ng isang lalaki matapos mabangga ng isang puting pick-up sa Brgy. Pias Sur, Currimao, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Rodel Alamon y Sacsac, 40, may asawa at residente sa nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon, patungong timog ang biktima nang may mabilis na puting pick-up na bumangga sa likuran nito at agad itong tumakas.

Dahil dito, nagtamo ng malalang sugat ang biktima at kritikal ang kondisyon nito sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring hit-and-run.