Ikinagalit ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang kaniyang natuklasan na mga materyales na “super substandard” sa isang proyekto para sa flood control sa La Union.
Sa isinagawang inspeksyon ngayong umaga sa Barangay Acao, Bauang, kasama si Baguio City Mayor at ICI Adviser Benjamin Magalong, personal na nasaksihan ni Secretary Dizon ang mga kapalpakan sa proyekto.
Nadiskubre ni Dizon na ang proyektong dapat sana ay tapos na ay hindi pa rin kumpleto, taliwas sa ulat na ito ay “completed” na noong Marso.
Ito ay nagpapakita ng malaking discrepancy sa pagitan ng aktwal na estado ng proyekto at ng opisyal na report na isinumite.
Hindi nag-atubili si Secretary Dizon na tawagin ang kaniyang nakita na mga “props” lamang, dahil sa kanyang obserbasyon, ang proyekto ay mistulang kinabit lamang at hindi tunay na ginawa nang maayos.
Ang nasabing pag-iikot at inspeksyon ay alinsunod sa direktang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na personal na tiyakin na ang lahat ng mga proyekto ng DPWH para sa pagpigil sa baha o flood mitigation ay ginagawa nang maayos at sumusunod sa mga pamantayan.