-- Advertisements --

DPWH magtatayo ng pansamantalang tulay matapos bumagsak ang Makilo Bridge sa Kalinga
LOOPS: DPWH/SEC DIZON, MABEY-TYPE BRIDGE BUGNAY, TINGLAYANM LAINGAM MAKILO BRIDGE,

Nagsimula ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pag-mobilize ng tauhan at kagamitan para sa pagtatayo ng pansamantalang Mabey-type bridge sa Bugnay, Tinglayan, Kalinga matapos bumagsak ang Makilo Bridge.

Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, mahalaga ang tulay bilang ruta sa pagitan ng Kalinga at Bontoc sa Mountain Province, ngunit dahil sa pagbagsak nito, hindi na makatawid ang mga sasakyan.

Dahil sa sitwasyon, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DPWH na magtayo ng pansamantalang footbridge para ligtas makatawid ang mga residente. Inaasahang matatapos ang pansamantalang tulay sa loob ng 60 araw, habang ang permanenteng tulay ay inaasahang matatapos sa Hunyo 2026.

Pinayuhan ang mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta na inilaan ng lokal na pamahalaan. (REPORT BY BOMBO JAI)