Hindi umano magdadalawang isip ang Department of Transportation (DOTr) na kanselahin ang mga prangkisa ng transport group na sasali sa nationwide transport strike ngayong araw.

Ayon kay DOTr Undersecretary Mark De Leon, obligado ang mga tsuper at driver na pagsilbihan ang publiko.

Iginiit pa ng DOTr na matagal ng nagkaroon ng modernization program sa mga pampasaherong jeepney ang gobyerno mula pa noong 2017 kung saan binigyan pa ng tatlong taon na hanggang 2020 ang mga jeepney operators.