-- Advertisements --
Pinaigting pa lalo ng Department of Transportation ang paglaban sa mga online license fixers at mga non-compliant driving schools.
Ayon sa DOTr, na aabot sa 100 mga driving schools na ang kanilang ipinasara sa nagdaang dalawang linggo.
Dahil sa nasabing hakbang ay nais nilang mapadali ang pagkuha ng publiko ng kanilang drivers license.
May mga babaguhin sila sa sistema para maiwasan ang corruption at mahikayat ang mga aplikante na dumaan sa tamang proseso.
Ang paulit-ulit na proseso at labis na requirement ay siyang nagtutulak para tumaas pa ang bilang ng mga fixers.
Pagtitiyak ng DOTr na hindi sila titigil na habulin ang mga indibidwal at mga institusyon gaya ng mga clinics , testing centers at driving schools.