LRTAp

Iniimbestigahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang naganap na banggaan ng dalawang tren ng Light Rail Transit 2 (LRT-2).

Kasunod ito ng pagkakasugat ng 34 pasahero ng tren sa bahagi ng Santolan at Recto Maynila nitong nakalipas na gabi ng Sabado.

Sinabi ni LRTA spokesperson Atty. Hernando Cabrera, aalamin nila kung paano umandar ang sirang bagon na siyang bumangga sa umaandar na tren.

Tiniyak naman ng LRTA na kanilang sasagutin ang mga bayarin sa mga naospital na mga pasahero.

Hanggang nitong umaga ay nasa limang mga sugatan ang nagpapagaling pa rin sa ospital.

Dahil naman sa pangyayari ay binawasan ng LRT-2 ang bilang ng bagon na bumabiyahe ngayong araw.