Biktima ng pagnanakaw si Transportation Assistant Secretary Elvira Medina, matapos mag check-in sa isang hotel sa Tagaytay City.

Ayon kay Cavite police provincial director Col. William Segun, nawalan ng mga gamit si Medina habang naka-check-in sa isang hotel.

Batay sa impormasyon, nag-check-in si Medina kasama ang kaniyang staff sa Dominque Hotel kahapon nang umaga dahil dadalo ito sa isang seminar.

Pagkatapos magpalipas ng gabi, nagising na lamang ang grupo ni Medina ng alas-3:30 ng madaling araw kanina at nadiskubre na nawawala na ang kanilang cash at mga alahas.

Kabilang sa natangay ang P15,000 na cash, isang pearl necklace, tatlong pares ng diamond na hikaw at dalawang gold na singsing.

Kasama naman sa iimbestigahan ng pulisya kung nagkaroon ng pagkukulang sa seguridad na ipinatutupad ng hotel at kung mayroong anggulo na inside job.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here