-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) ang pansamantalang pagsasara ng ilang pasyalan at pagsuspinde ng mga aktibidad sa turismo sa iba’t ibang rehiyon dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at epekto ng Severe Tropical Storm Emong (international name: Co-May).

Sa abisong inilabas ngayong Biyernes, Hulyo 25, hinimok ng DOT ang mga turista at tourism stakeholders na unahin ang kaligtasan at sumunod sa mga tagubilin ng mga lokal at national authority.

Mga Apektadong Lugar:

NCR —Sarado ang ilang parke at museo; kanselado ang Intramuros tours.

Cordillera —Sarado ang mga pasyalan sa Benguet, Baguio, Sagada, Ifugao, at iba pa.

Habang sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Central Visayas —Suspendido ang mga aktibidad tulad ng island hopping, trekking, caving, at water-based tours.

Habang sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindanao: Walang pormal na pagsasara ngunit may mga paalala laban sa pagbibiyahe at outdoor activities.

Samantala nakikipag-ugnayan na ang DOT sa mga LGU, Civil Aviation Authority, Philippine Coast Guard, at iba pang ahensya para sa mabilis at koordinadong tugon.