FDCP Chairperson Liza Diño 3
FDCP Chairperson Liza Diño

Hinijikayat ng Department of Tourism (Dot) at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga local at international filmmakers na gumawa ng pelikula sa bansa.

Ayon sa DOT, magbibigay sila ng incentives options sa mga foreign producers basta may kasama silang rehistradong film producers ng Pilipinas.

Dagdag naman ni DOT Assistant Secretary for Branding and Marketing Communications Howard Uyking, nais nilang ipakita ang mga magagandang tanawin ng bansa sa isang pelikula.

Isa rin aniya itong paraan para mas lalong mapalago ang turismo sa bansa.