-- Advertisements --
Inilunsad ng Northern Mindanao Regional Peace and Order Council (RPOC-10) ang isang hiking-for-a-cause sa Mount Balatukan sa Misamis Oriental upang makalikom ng pondo para sa mga proyektong pang-imprastruktura sa mga liblib na komunidad.
Gaganapin ang aktibidad mula Mayo 16 hanggang 18 sa pakikipagtulungan ng 58th Infantry Battalion ng Philippine Army at mga upland communities sa Gingoog City, Lagonglong, at Balingasag.
Ang registration ay nagkakahalaga ng P2,700 para sa mga local at P2,920 para sa mga dayuhan.
Bahagi rin ito ng programa ng Department of Tourism sa mountain tourism, kung saan itinutulak na mapabilang ang Mt. Balatukan bilang ikalimang ASEAN Heritage Park ng rehiyon.