Muling bumida sa panibagong panalo ng Dallas Mavericks si Luka Doncic kontra sa New Orleans Pelicans, 143-130.

Nagtala si Luka ng double double performance gamit ang 46 points at 12 assists.

Ang puntos ng 21-anyos na Slovenian sensation ay kanyang career high ngayong season.

Mavs Doncic Luka 2
Dallas star Luka Doncic

Malaking tulong din naman ang ginawa ni Kristaps Porzingis na nagdagdag ng 36 puntos.

Sa ngayon meron ng 13 panalo ang Mavs.

-- Advertisement --

Nasayang naman ang naiposte rin na career-best na 36 points ni Zion Williamson para sa Pelicans.

Nagpakitang gilas si Williamson nang makagawa ng franchise record nang magbuslo siya ng lahat ng 10 tira sa loob lamang ng first half.

Ang tanging sablay lamang niya ay ang three point attempt para magtapos siya sa 14 of 15 sa unang dalawang quarters.