-- Advertisements --
Mavs Luka doncic dallas

Nagsama ng puwersa sa opensa sina Luka Doncic na may 39 points at Tim Hardaway Jr. na nagdagdag ng 28 upang pangunahan ang Dallas Mavericks sa ikalawa nilang panalo laban sa Los Angeles Clippers, 127-121.

Dahil dito, hawak na ngayon ng Mavs ang 2-0 lead sa first-round playoff series.

Kung maalala ang Clippers ang itinuturing na NBA’s best 3-point team pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi na naman umubra sa pinakawalang 3-point bombs ng Mavs.

Sa kabuuan meron 18 mga three pointers ang naipasok ng Mavs habang noong Game 1 nitong nakalipas na Linggo, hindi rin kinaya ng Clippers ang 17 three pointers.

Sa laro nitong araw, si Hardaway ay nagtala ng playoff career-high na anim na 3-pointers habang si Doncic ay nagpasok ng lima.

Tumulong din naman sa opensa sina Kristaps Porzingis na nagtapos sa 20 points at si Maxi Kleber na may 13.

Paul George Clippers LA

Sa panig Clippers nasayang ng husto ang ginawa ni Kawhi Leonard na sa first half pa lamang ay nagbuhos na ng 30 puntos mula sa kabuuan niyang 41.

Si Paul George ay meron namang 28 points at 12 rebounds.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Clippers coach Tyronn Lue na babawi sila sa Game 3 sa mismong lugar ng Mavs sa Sabado.