Inaprubahan na ng National Basketball Association (NBA) ang pagbebenta sa Boston Celtics sa halagang $6.1 billion o mahigit P345 billion.
Ang naturang koponan ay ibebenta sa grupong pinamumunuan ng private equity mogul na si Bill Chisholm.
Kapag tuluyan nang nakumpleto ang sale, hahawakan ni Chisholm ang 51% ng naturang koponan, at mabibigyan na siya ng full control sa team pagsapit ng 2028. Sa naturang taon, inaasahang lolobo na ang halaga ng naturang koponan sa 47.3 billion.
Ang grupo ni Chisholm ang naglaan ng pinakamalaking bid at tinalo ang dalawang iba pang grupo. Kabilang sa mga nagnais sanang makabili sa naturang koponan ay si Celtics minority partner, Steve Pagliuca.
Ang magiging bagong may-ari ng Boston ay nagtapos sa Dartmouth College at Penn’s Wharton School of business.
Siya rin ang kasalukuyang managing partner ng California-based Symphony Technology Group, isang private equity firm na ang pangunahing pokus ay ang mga investments sa software at services sectors.
Itinuturing ang naturang transaction bilang pinakamalaking sa kasaysayan ng American professional sports franchise.
Ang dating record ay hawak ng Washington Commanders ng National Football Legue (NFL) noong 2023.