-- Advertisements --

Nakatakdang makaharap ni four-division world champion Nonito “Filipino Flash” Donaire Jr si WBC world bantamweight champion Nordie Oubaali.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Mayo 29 at hindi pa tiyak kung saang lugar ito gaganapin.

Inaasahan naman ng kampo ni Donaire na gagawin ito sa Connecticut o sa California.

Unang makakaharap sana nito si Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico sa US noong Disyembre 19, 2020 subalit ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Mayroong record si Donaire na 40 panalo, anim na talo at mayroong 26 knockouts.

-- Advertisement --

Habang ang 34-anyos na Olympian ay mayroong record na 17 panalo at 12 knockouts.

Huling lumaban si Donaire ay noong Nobyembre 2019 nang talunin siya ni Naoya Inoue sa pamamagitan ng unanimous decision.