Nabigo si Filipino boxing legend Nonito Donaire na masungkit an World Boxing Association (WBA) bantamweight belt.
Ito ay matapos na talunin siya ni Seiya Tsutsumi sa laban na ginanap sa Ryogoku Sumo Arena sa Tokyo, Japan.
Dalawang judges kasi ang nagbigay ng 115-113 at 117-111 pabor kay Tsutsumi habang ang pangatlong judge ay nagbigay ng 116-112 pabor kay Donaire.
Ang nasabing resulta ay pagtatapos ng pamamayani ni Donaire sa WBA interim champion at unang matagumpay na pagdepensa ni Tsuttsumi.
Inamin ng Japanese boxer na naging malakas ang hook ni Donaire subalit kaniya itong naiwasan.
Sa mga unang bahagi ng laban ay kontrolado ng Pinoy boxer ang laban kung saan pinaulanan niya ng suntok si Tsutsumi sa ikaapat na round.
Nakabangon ang Japanese boxer sa ikalimang round at doon ipinamalas ang mga malalakas na suntok kay Donaire.
















