-- Advertisements --
Tiwala ang Department of Labor and Employment na matatapos nila ang pamamahagi ng P3-bilyon halaga ng financial assistance sa 600,000 na mga tourism workers na apektado ng COVID-19.
Sinabi ni DOLE assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay na nasa 250,000 na mga manggagawa sa tourism sectors ang kanilang natulungan na nakatanggap na ng P5,000.
Nagkakahalaga aniya ang kanilang naipamahagi ng P1.26 bilyon.
Maaring hanggang sa katapusan ng Abril ay matatapos nila ang pamamahagi ng P758 milyon na ayuda para sa 151,000 tourism-related sector.
Mayroon kasing mahigit 300,000 na mga tourism industry workers ang nawalan ng trabaho mula ng tumama ang COVID-19 sa bansa noong Marso 2020.
		
			












