DOLE Sec. Silvestre Bello
DOLE SEC BELLO

Inatasan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang kapulisan na agad na resolbahin ang pagpatay sa isang babaeng labor officer sa Maynila.

Magugunitang lulan ng kaniyang sasakyan si Ellen Dacanay ng bigla itong pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Malate, Maynila nitong hapon ng Lunes.

Agad na namatay ang biktima habang nakaligtas ang kasama nitong si Atty. Agatha Daquigan.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang motibo ng nasabing insidente.