-- Advertisements --

Pinuri ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang Quezon City government sa tagumpay ng kanilang “Bakuna Nights” o ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 tuwing gabi.

Sinabi ng kalihim na ang nasabing proyekto na ito ng city government ay malaking tulong para makabalik sa normal ang ekonomiya.

Makakatulong din aniya ito sa mga empleyado na walang oras na magpabakuna sa araw at sa halip ay sa gabi na sila maaaring magpabakuna.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, umabot na sa 20,000 na manggagawa ang kanilang naturukan ng bakuna.

Itinayo ang nasabing pagpapabakuna para sa mga empleyado na walang panahon para sa magpabakuna sa office hours.