Masayang ibinalita ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na umaabot na sa 139,003 na regular at non-regular formal workers na naapektuhan ng enhanced community quarantine ang nakinabang na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Magugunitang sa ilalim ng CAMP, makatatanggap ang formal workers ng one-time 5,000 pesos na cash aid.
Inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring spokesman ng IATF na para lang matugunan ang mga concerns ng mga employers, sinasabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ang impormasyong isusumite ng mga employer kaugnay nito ay hindi isasapubliko at hindi maaaring magamit laban sa kanila kahit kailanman.
Layunin uamno nitong mahikayat ang mga kompanya na magsumite ng kanilang mga report para mabigyan ng tulong ang ating mga manggagawa.
Pinamadali na rin daw ng DOLE ang mga requirement para hindi na mahirapan ang mga employers.
“Sec. Bello also announced that the DOLE is no longer strictly requiring the submission of the company payroll in the establishment report. Any proof of payment of salaries and wages will be sufficient compliance with the requirement,” ani Sec. Nograles.