-- Advertisements --

Pumayag na ang Hamas sa pinakabagong peace proposal mula sa mga regional mediators.

Ang proposal mula sa Egypt at Qatar ay kinabibilangan ng pagpapalaya sa mga bihag at ang ceasefire deal sa kanila ng Israel.

Base ito sa two-stage framework na ipinasa sa kanila ni US envoy Steve Witkoff noong Hunyo.

Makikita dito ay mapapakawalan na ng Hamas ang nasa kalahati sa 50 na natitirang Israeli hostage.

Sa nasabing bihag ay 20 dito ay mga buhay pa kung saan sa dalawang batch na gagawin na pagpapalaya sa 60-araw na ceasefire hanggang maabot ang permanenteng ceasefire.

Umaasa ang mga mediators na tumugon din ang Israel na naunang nagsabing papayag lamang kung lahat ng mga bihag ay mapakawala na.