-- Advertisements --

Ipinagtibay ng Kataastaasang Hukuman ang naging desisyon ng Commission on Elections upang idiskwalipika ang isang kandidato sa Quezon bilang kinatawan sa nagdaang 2025 elections.

Sa isinapublikong pahayag ng Korte Suprema matapos ang isinagawang En Banc session, pinagtibay nito ang desisyong diskwalipikasyon dahil sa vote buying.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ng grupo ng ilang botanteng residente ng Buenavista, Quezon.

Namimigay anila raw ng pera si Matt Erwin Florido, kumandidato bilang kinatawan sa ikatlong distrito ng Quezon.

Nagkakahalaga ng tig-iisang libon Piso pera ang ipinamimigay kasama pati libre pagkain, damit, at para transportasyon para lamang makakuha ng boto.

Pinabulaan naman ito ng inakusahang si Florido at naghain ng ‘petition for certiorari’ sa Korte Suprema at iginiit na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa parte ng COMELEC.

Ngunit ito’y ibinasura lamang ng Supreme Court at sinabing suportado naman ng ‘substantial evidence’ ang naging pasya ng COMELEC.