-- Advertisements --

Hindi na itinuloy ni world number one Jannik Sinner ang kaniyang laban sa Cincinnati Open Final laban kay Carlos Alcaraz.

Hawak ni Alcaraz ang kalamangan 5-0 sa unang set ng magpasya si Alcaraz na magretiro sa laro dahil sa may dinaramdam na sakit.

Umupo ito at naglagay ng yelo sa ulo matapos ang pangalawang break niya bago tinawag ang trainer.

Matapos ang bahagyang pag-uusap ay humingi ito ng paumanhin sa umpire at officials kung saan emosyonal itong nagpaalam sa mga fans.

Sinabi nito sa mga fans niya na pinilit niyang maglaro subalit hindi nakayang maglaro at idepensa ang titulo sa nasabing torneo.

Dahil dito ay nakuha ni Alcaraz na siyang world number 2 ang titulo.