Binigyang-diin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi apektado ang labor market ng bansa sa kabila ng bahagyang pagbaba ng employment rate sa 96.2% nitong Setyembre 2025 mula sa dating 96.3% sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon.
Ayon sa DOLE, nananatiling matatag ang labor force at ang mekado ng paggawa sa buong bansa, kasabay ng patuloy na pagpapatatag ng Public Employment Service Offices (PESO) upang makalikha ng mas marami pang trabaho.
Ayon sa DOLE, target din ng ahensiya na magkaroon at makapag-alok sa mga Pilipino ng pangmatagalang hanapbuhay nang may sapat at matatag na pasahod para sa mga mangagawa.
Kung babalikan ang resulta ng huling survey, bahagyang tumaas sa 3.8% ang unemployment rate mula sa 3.7%
Ayon sa DOLE, pinapalakas na ng kagawaran ang mga programa para sa kabataang manggagawa, sa tulong ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education upang mapalakas ang ugnayan ng edukasyon at trabaho.













