Pumalo sa mahigit ₱3-B na halaga ng tulong pinansyal ang naipamahagi ng Department of Labor and Employment sa mga manggagawa sa Pilipinas noong nakalipas na taon.
Ang naturang ayuda ay ipinatupad sa ilalim ng Single-Entry Approach (SEnA) Program ng ahensya.
Pinakinabangan ito ng mahigit 58,212 na mga manggagawa sa buong bansa.
Ayon sa DOLE, ang Single-Entry Approach (SEnA) Program ay isang 30-day mandatory conciliation-mediation.
Ang programa ay mabilis , walang kinikilingan , at nagbibigay ng mabilis na hakbang upang maresolba ang ilang hindi pagkakaintindihan sa isang lugar na pinagtatrabahuhan.
Bukod dito ay nilalayon ng programa na maging patas ang pagtingin sa mga manggagawa at employer sa bansa.
Magreresulta ito na maiwasan ang anumang paglaki ng isyu at nang hindi na umabot pa sa korte ang mga kaso.