-- Advertisements --

Isa ang nasawi at pito ang nasugatan sa isang landslide sa Tuba, Benguet dulot ng Super Typhoon Nando, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) noong Setyembre 22.

Kung saan apektado rin ang higit 43,000 pamilya o 159,000 katao sa iba’t ibang rehiyon.

Sa ngayon, 24 kalsada at 8 tulay pa ang hindi madaanan, habang 32 pantalan ang hindi pa rin binubuksan. Nanatili namang lubog sa baha ang 29 barangay.

Bagama’t humihina na ang bagyo, nananatili pa rin sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang super bagyong Nando at inaasahang lalabas ngayong araw, Setymebre 23 at tutungo sa southern China sa Setyembre 24.

Samantala kasalukuyan paring nasa ilalim ng storm signals ang mga sumusunod na rehiyon sa:

Signal No. 3: Ilocos Norte, bahagi ng Apayao at Cagayan, pati Babuyan Islands

Signal No. 2: Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Benguet, Ilocos Sur, at La Union

Signal No. 1: Ilang bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, Central Luzon, at Zambales.