Inabswelto ng Sandiganbayan ang dating mambabatas ng Quezon City at 11 iba pang kapwa akusado dahil sa umano’y pagbulsa ng P1 milyong pondo sa pagpapatupad ng cash for work na Tupad program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa tatlong pahinang resolusyon, ibinasura ng third division ng anti-graft court ang mga kaso laban kina ex-QC Rep. Precious Hipolito-Castelo at 11 iba pa na pinangalanan sa reklamong inihain ng Office of the Ombudsman na sina Rosalie Buena, Margie Varon, Jacquelyn Sales, Elizabeth Martinez, Elnor Magculang, Emma Agraan, Maria Theresa Encallado, Leonora Bernardo, Anabelle Ocfemia, Edilbert Valerio at Eliseo Hermoso.
Ayon sa korte, pinawalang sala ang mga nabanggit na indibidwal sa mga kaso ng estafa sa pamamagitan ng falsification at graft dahil sa labis na kakulangn ng ebidensiya para makapag-establish ng probable cause laban sa kanila.
Natanggap ng anti-graft court mula sa kataas-taasang hukuman ang entry of judgment noong Hulyo 11 na nagsertipika sa resolusyon na nagaabswelto kina Castelo at kaniyang kapwa akusado bilang final at executory.