-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aprubado na ang taas sahod sa minimum wage earners sa CALABARZON Region.

Ito ay sa bisa ng inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) IV-A na Wage Order No. IVA-22.

Sa ilalim ng wage order, magkakaroon ng umento na P25 hanggang P100 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa agrikultura, P300 hanggang P100 naman ang dagdag para sa non-agriculture workers habang P83 naman para sa mga empleyado na nagtratrabaho sa retail at service establishments na mayroong hindi lalagpas sa 10 empleyado.

Sa oras na maipatupad na ito, ang kabuuang arawang sahod sa agriculture sector ay magiging P508 hanggang P525, sa non-agriculture sector naman P525 hanggang P600 habang sa retail and service sector naman ay P508.

Ayon sa DOLE, magiging epektibo ang umento sa sahod sa rehiyon simula sa Oktubre kung saan ipapatupad ito sa dalawang bahagi, una sa Oktubre 5 ng kasalukuyang taon at ikalawa, sa Abril 1, 2026.