Tukoy na ng pamahalaan kung anong grupo ang nagsimula ng marahas na insidente kahapon sa Ayala bridge at Mendiola na nauwi sa pagkakasugat ng maraming pulis at ilang sibilyan.
Tinukoy ni DICT Secretary Henry Aguda ang grupong anonymous.ph na nagsimula ng panghihikayat ng panggugulo online.
Ito aniya ay isang aktibong grupo na nanghikayat na magsuot ng itim na maskara at damit at sumama sa pagtungo sa bahagi ng Malakanyang.
Nakipag ugnayan na aniya sila sa nasabing grupo pero hanggang ngayon ay hindi pa tumatanggi kung sila nga o hindi ang gumawa ng mga karahasan.
Ayon pa kay Aguda, may persons of interest na silang minamatyagan.
Sinabi naman ni dilg secretary Jonvic remulla na may intelligence report silang natanggap na ang target talaga ng mga grupong ito ay para sunugin ang malakanyang.
Kaya nga aniya dinagdagan nila ang mga pulis na nagbantay sa paligid ng malakanyang kahapon.
Sa ngayon patuloy ang isinasagawang pang-iimbestiga ng ahensiya.
Kasunod ng mga kilos protesta kahapon, pinagana ng DICT ang Oplan Cyberdome.
Dahil sa ipinatupad nila na mga precautionary measures, walang naitalang na cyberbreach mula sa overseas.
Giit ni Aguda, pinatunayan ng pamahalaan na epektibo ang Oplan Cyberdome.
















