-- Advertisements --

Aabot sa mahigit P34-M na halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo sa lalawigan ng Masbate.

Batay sa datos, aabot sa higit P29M ang inilaan ng ahensya para sa TUPAD .

Nabenipisyuhan nito ang nasa mahigit 6,400 benepisyaryo mula sa labing isang bayan sa lalawigan ng Masbate.

Bukod dito, nakatakda ring tumanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Masbate ng ₱5 milyong livelihood assistance para sa pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan na makatutulong sa muling pagbangon ng mga residente.

Samantala, nakikipagtulungan na rin ang TESDA Bicol sa DOLE para sa pagbibigay ng mga libreng pagsasanay habang nagpapatuloy ang recovery at rehabilitasyon.

Patuloy ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang mabilis na pagbangon ng mga nasalanta at maihatid agad ang tulong sa bawat pamilyang nangangailangan.