Humingi ng P2 billion ng karagdagang pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang financial assistance program sa mga manggagawa na maaaring mawalan ng trabaho dahil sa coronavirus outbreak.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na inisyal lamang ang nasabing pondo at kung magkulang ay hihingi muli sila.

Umaasa rin ang kalihim na mapagbibigyan siya ng Department of Budget and Management ang kaniyang kahilingan.

Ang nasabing tulong kaparehas rin na ibinigay nila sa mga nawalan ng trabaho noong pansamantalang isara ang isla ng Boracay noong 2018.