CAUAYAN CITY- Bukas ang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa anumang imbestigasyon na isasagawa ng Department of Justice ( DOJ) kaugnay sa korapsyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Silvestre Bello III na bukas siya sa imbestigasyon bilang suporta sa hangarin ng pangulo na mapuksa ang katiwalian sa pamahalaan.

Kaugnay nito ay bumuo na siya ng task force anti corruption sa kanilang tanggapan para tututok sa mga nagaganap sa korapsyon sa kanilang departamento.

Kasabay nito ay hinikayat niya ang mga may nalalaman tungkol sa korapsyon sa kanilang departamento at sa ibang attached agencies gaya ng POEA, OWWA at sa mga regional offices na makipag-ugnayan lamang sa kanila para ito ay mabigyan ng aksyon.