-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Justice na kanilang sinisimulan na ang pagkolekta ng mga dental records kaugnay sa mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, inumpisahan na itong gawin ng kagawaran upang makatulong sa pag-kilala o identify ng mga narerekober labi mula sa Taal lake.

Ani pa niya’y tiwala silang malakas o mayroong matibay na makukuhang DNA sample sa ngipin o maging ang dentures na galing sa naturng lawa.

Habang kasabay naman nito ang planong paglulunsad ng ‘dental bank records’ na siyang magagamit sa pagsusuri upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga narerekober na buto.

Samantala, inamin naman ng Department of Justice na magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin anila tukoy ang bilang kung ilang katawan ng tao na ang kanilang rekober.

Ayon kay Justice Spokesperson Mico Clavano, wala pang tiyak na bilang aniya hinggil rito kaya’t kanyang sinabi na isa ito sa mga nais nilang idulog ng tulong sa University of the Philippines at bansang Japan.

Habang kanyang ibinahagi pa na ang mga narekober mula sa Taal lake ay kanilang ipinapakita sa kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Ngunit aniya’y wala pang kumpirmasyon silang natatanggap kung ito’y nakilala o pamilyar ang mga nakuhang damit at iba pa.

Sakaling hindi ito makumpirma o tumugma sa mga nawawalang sabungero, ayon ASec. Mico Clavano, maari itong magbukas sa panibagong mga kaso.