Kinumpirma ng Department of Justice na kanilang natanggap na ang formal request letter ni Department of Public Works and Highways Sec. Vince Dizon para isyuhan ng Immigration Lookout Bulletin Order si dating DPWH Undersecretary Roberto R. Bernardo.
Ayon kay Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano, natanggap na ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla ang kahilingan ito ni DPWH Sec. Dizon.
Kaya’t aniya’y ngayong araw din ilalabas o mag-iisyu ang Department of Justice ng ILBO kontra sa naturang dating undersecretary.
Ibinahagi din ng tagapagsalita ng kagawaran na ito’y pangatlong batch na sa pag-iisyu ng ILBO kaugnay sa imbestigasyon hinggil sa maanomalyang ‘flood control projects’.
“Opo, na-confirm ko po na na-receive na po ni Sec. Remulla yung request letter ni Sec. Vince Dizon of DPWH para po maglabas ng ILBO as against former Usec. Bernardo,” ani ASec. Mico Clavano ng DOJ.