Reading Time: 1 minute

Pansamantalang itinalaga ni Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra si Justice Asst. Sec. at Deputy Dir. Gen. Melvin Ramon Buenafe bilang officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor).

Kasunod na rin ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Nicanor Faeldon bilang BuCor director general.

Bumuo na rin si Guevarra ng komite na mangangasiwa sa administrative supervision ng BuCor habang wala pang itinatalagang bagong BuCor chief si Pangulong Duterte.

Pamumunuan ito ng DoJ Usec. Deo Marco kasama ang mga assistant secretaries na sina Neal V. Bainto at George Ortha II.