Personal na ininspeksyon ni Department of Health Sec. Francisco Duque III ang Navotas Polytechnic College, para tingnan ang cold storage facility at alamin na rin ang vaccination plan ng syudad.

Kasama nito sa paglilibot sa lugar ang ilang lokal na opisyal ng lungsod.

Sa nasabing aktibidad, aalamin ng DoH ang kahandaan ng lokal na pamahalaan para storage at distribusyon ng bibilhing bakuna.

“We’re here to make an objective, impartial assessment of the local immunization plan and ensuring this is going to be aligned with the grand plan of national government,” wika ni Duque.

Maliban sa Navotas, mag-iinspeksyon din ang kagawaran sa iba pang lungsod at probinsya.

-- Advertisement --

Ang inspection team ay tinawag nilang CODE o Coordinated Operations to Defeat Pandemic.

Nagsimula ang kanilang paglilibot nitong nakalipas na dalawang linggo, alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Rodrigo Duterte.