-- Advertisements --

Pinipigilan ng Department of Health (DOH) ang mga lokal na pamahalaan na lumihis sa mga health protocols ng bansa.

Iginiit ng kagawaran na mayroon lamang isang panuntunan na dapat nilang sundin habang nilalabanan ng bansa ang pandemya.

Ito ay may kaugnayan sa pagpayag ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu na maaaring tanggalin ang pagsuot ng mga face mask outdoors.

Kailangan naman na suotin ang facemask sa closed areas at sa mga indibidwal na nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19.

Sinabi ni Vergeire na ang ibang mga bansa na maagang nag-alis ng kanilang mandato sa face mask ay nakaranas ng pagdagsa ng mga bagong kaso, na nagsasabing dapat maghintay ang Pilipinas hanggang sa ang mga kaso nito ay maging manageable.

Aniya, ang pagpapanatili sa panuntunan sa face-mask sa ngayon ay batay din sa mga pag-aaral at rekomendasyon na ginawa ng mga eksperto.

Gayunpaman, ipinagtanggol ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang kanyang executive order na nagsasabing “dapat manaig ang lokal na awtonomiya.”

Dagdag pa nito na optional ang nasabing order.