-- Advertisements --
Posted by Department of Health (Philippines) on Friday, October 2, 2020

Umakyat pa sa 2,611 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH). Mas mataas kumpara sa additional cases na ini-report ng ahensya sa nakalipas na dalawang araw.

Umaabot na ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas sa 316,678. Ayon sa ahensya, pitong laboratoryo ang bigong makapag-submit ng report kahapon.

“Of the 2,611 reported cases today, 2,150 (82%) occurred within the recent 14 days (September 19 – October 2, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (870 or 40%), Region 4A (400 or 19%) and Region 6 (255 or 12%).”

Ang mga active cases ay nasa 56,445 naman. Samantala, nadagdagan pa ng 416 ang total recoveries na ngayon ay nasa 254,617 na. Habang 5,616 na ang total deaths dahil sa additional na 56.

“Of the 56 deaths, 43 occurred in September (77%), 6 in August (11%) 5 in July (9%) 1 in May (2%) and 1 in April (2%). Deaths were from NCR (22 or 39%), Region 7 (7 or 12%), Region 4A (7 or 12%), Region 3 (6 or 11%), Region 5 (4 or 7%), Region 2 (2 or 4%), Region 6 (2 or 4%), Region 10 (2 or 4%), Region 9 (1 or 2%), Region 11 (1 or 2%), Region 12 (1 or 2%), and CARAGA (1 or 2%).”

Ayon sa DOH, 11 duplicates ang kanilang tinanggal sa total case count, kung saan siyam ang recoveries at isang death cases.

May 13 iba pang recovery cases ang pinalitan ng ahensya ng taggin matapos matukoy na sila ay patay na sa validation.

“In addition, there’s a death found to be negative and was removed from the total case count after final validation.”