Umakyat pa sa 276,289 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, matapos madagdagan ng 3,375 na mga bagong kaso, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa case bulletin ng ahensya, 10 laboratoryo ang bigong makapag-submit ng kanilang report kahaponsa COVID-19 Data Repository System. Kabilang sa listahan ang:
- Dr. Jorge P. Royeca Hospital
- Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (TALA) – GeneXpert Laboratory
- Kaiser Medical Center Inc.
- Lanao del Norte Covid-19 Testing Laboratory
- Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
- Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
- Philippine Airport Diagnostic Laboratory
- St. Luke’s Medical Center – Global City – Genexpert Laboratory
- Taguig City Molecular Laboratory
- Valenzuela Hope Molecular Laboratory
“Of the 3,375 reported cases today, 2,519 (75%) occurred within the recent 14 days (September 4 – September 17, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (742 or 29%), Region 4A (482 or 19%) and Region 6 (249 or 10%).”
Samantala, ang mga active cases ay nasa 63,408 pa. Ang mga gumaling naman ay nadagdagan pa ng 317. Sa ngayon ang total recoveries ay nasa 208,096.
Habang 53 ang additional sa death toll na ngayon ay pumapalo na sa 4,785.
“Of the 53 deaths, 36 occurred in September (68%), 13 in August (25%) and 4 in July (8%). Deaths were from NCR (25 or 47%), Region 4A (12 or 23%), Region 6 (4 or 8%), Region 10 (4 or 8%), Region 9 (3 or 6%), Region 3 (1 or 2%), Region 5 (1 or 2%), Region 4B (1 or 2%), CAR (1 or 2%), and among ROF (1 or 2%).”
Ayon sa Health department, isang recovery case ang natukoy na negatibo pala sa COVID-19 kaya tinanggal ito sa total case count.
Mayroon namang 67 recovered cases na pinalitan ng tagging matapos matukoy na 11 ang patay na at 56 ang nagpapagaling pa.