-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health ang posibilidad na muling ibalik ang Alert level 2 sa mga lugar na nasa pinakamaluwag na Alert level 1.

Ayon sa DOH, nakadepende pa rin ito sa matrix ng Alert level system sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang paglilinaw na ito ng kagawaran ay kasunod ng naging pahayag ni DOH spokesperson Usec. Maria Rosario S. Vergeire na mayroong posibilidad na ibalik muli sa alert level 2 ang National Capital Region kapag magppatuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Subalit sinabi ng DOH sa isang statement hangga’t hindi nakakaapekto s healthcare utilization rate ang admissions at severity ng mga kaso ng COVID-19 sa mga ospital , mannatili ang Alert level 1 sa rehiyon.

Maipagpapatuloy ayon sa DOH ang Alert level 1 kung patuloy din ang pagsunod sa tinataag na BIDA o ang pagsusuot ng Best fitted mask, Isolate kapag may sakit, Double up protection sa pmamagitan ng vaccination at boosters at tiyaking may magadang Airflow.

Muling hinihikayat din ang publiko na magpabakuna ng booster kontra sa COVID-19 dahil ang immunity na nakukuha mula sa mga bakuna ay humihina sa paglipas ng panahon.

Sa kasalukuyan ayon kay Vergeire nasa 13 mula sa 17 lugar sa NCR ang naobserbahan na may pagtaas ng kaso nmg COVID-19.