-- Advertisements --

Personal na tinawagan ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung saan pinag-usapan ng dalawang lider ang ibat ibang isyu sa ekonomiya at seguridad sa ASEAN region.

Tinalakay din nina Pangulong Marcos at Prime Minister Ibrahim ang nalalapait na Association of Southeast Asian Nations Summit kung saan ang Malaysia ang mag host na nakatakda sa May 26 hanggang May 27,2025.

Ayon kay Pangulong Marcos kanilang pinag usapan Prime Minister Anwar Ibrahim ng Malaysia tungkol sa mga hamon sa ekonomiya at seguridad na kinakaharap ng ASEAN.

Sa isang social media post, inihayag ni Prime Minister Anwar na siya mismo ang tumawag kay Pang. Marcos at sinabi na nais ng Malaysia na palawigin pa ang ceasefire sa Myanmar upang matiyak na magpapatuloy pa rin ang humanitarian aid sa nasabing bansa

At kanila din napagkasunduan na anumang uri ng tulong na kanilang ipapadala ay walang anumang diskrimasyon o restriction.

Tinalakay din ng dalawang lider ang taripa na ipinatupad ni US President Donald Trump.

Umaasa si Pang. Marcos na maipagpatuloy ang mga talakayang ito kasama ang iba pang mga kasamang lider sa Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong buwan.

Nagpa-abot naman ng pagbati si Ibrahimm kay Pang.Marcos sa matagumpay na May 12 midterm elections.